Sinasabi mong wala kang pakialam kasi di ka naman direktang apektado ng Martial Law. Eh kung gayon, tongenuh! Bakit ka pa nag-effort magpost tungkol doon? Wag kang papansin. Kung talagang wala kang pakialam, tahimik na lang.
Sinasabi mong move on na kami. Eh ikaw nga nangingialam ka sa di namin pag move on, kami pa kaya na nawalan ng magulang? Tongenuh mo!
Sinasabi mong magpatawad na kami. Paano magpapatawad ang taong di hiningan ng tawad? Paano magpapatawad kung patuloy na dine-deny ng mga may sala ang kanilang mga krimen? Paano magpapatawad kung maraming nagsasabing hindi totoo at hindi lehitimo ang sakit na nararamdaman namin? Tongenuh mo!
Sinasabi mong legal ang nangyari. Eh tongenuh! Paano na yung pag-aresto, pambubugbog, pagkawala, at pagkamatay ng libo-libong Pilipino, ano na?! Legal ba yun?! Tongenuh! Move on kami doon pero kayo di kayo matahimik kasi ayaw namin ipalibing ang isang kriminal?! Move on kami kahit na pinatay ang mahal naminsa buhay pero kayo di kayo makapag move on dahil di malibing ang isang kriminal? PAKYU PO!!! PAYASO AMPOTAH!!!
Sinasabi mong marami siyang nagawang tama at mabuti. Eh tongenuh mo! Dahil ba nakagawa ng mabuti peke na lahat ng pagnanakaw, pagkitil sa demokrasya, pagpatay, at panggago sa sambayanang Pilipino?!
Sinasabi mong kasalanan to ng ibang tao dahil nanggago rin sila. Tongenuh!!! Pag ikaw binugbog, magiging ok lang ba sayo yun dahil ang ibang tao may binugbog din na ibang tao? Kagaguhan!!! Hindi dahil may nagawang mali ang ibang tao eh ok na yung may libo-libong Pilipino ang inaresto, binugbog, at pinatay?
BAGO NIYO KAMING SABIHAN NA MOVE ON NA KAMI, BIGYAN NIYO KAMI NG HUSTISYA! IBALIK NIYO ANG KABATAAN KO! IBALIK NIYO ANG KALAYAAN NG MGA MAGULANG KO! IBALIK NIYO ANG BUHAY NG LIBO-LIBONG PILIPINONG NAMATAY. BAWIIN NIYO ANG SAKIT NA NARAMDAMAN NG LIBO-LIBONG PILIPINONG BINUGBOG! IBALIK NIYO ANG BILYONG PISO NA NANAKAW SA MAMAMAYANG PILIPINO! IPAKITA NIYO ANG LIBO-LIBONG DESEPARACIDOS! ANO NA?! Emote na emote kayo kasi di mailibing ang isang mandarambong pero kami bawal kami magalit at humingi ng hustisya. PAKYU PO!
Give us back our innocence. Give us back a childhood free of fear. Give me back a healthy, whole family. Give me back my father. Give me back everything I lost and never had. Kaya niyo bang ibigay sa akin yun? Kaya niyo bang ibigay yan sa libo-libong Pilipinong naging biktima ng Martial Law, sa kanilang mga anak at mga kamag-anak?
Hanggang hindi namin nakakamit ang hustisya, hanggang may mga taong patuloy na di inaamin ang katotohanan tungkol sa Martial Law, walang sino mang makakapagsabi na move on na kami. Dahil tongenuh niyo… kung hindi ipinaglaban ng mga bayani at martir ng Martial Law ang ating kalayaan, tayong lahat walang karapatang ihayag ang kahit na anong gusto nating ihayag. Kung hindi sila nagsakripisyo, we will all continue to live in fear and squalor.
Di kita pinipigilang magpakamangmang, tanga, bulag, at bobo. Kaya tongenuh, WAG MO RIN AKONG PIGILAN AT PAKIALAMAN NA MAGALIT, HUMINGI NG HUSTISYA, AT IPAHAYAG ANG AKING NARARAMDAMAN!
Tongenuh mo. Pakyu. Wala akong pakialam kung gusto mong maniwala sa mga gusto mong paniwalaan. Truth is whether you believe it or not, THOUSANDS OF FILIPINOS suffered under Martial Law and you have no effin right to tell us we have no right to be hurt or angry.
Hindi kita pinipigilan sa pagiging tanga, bobo, at insensitive mo. Choice mo maging ganyan. Ako choice kong ipaglaban ang mga ipinaglaban ng mga magulang ko. Choice ko maghanap ng hustisya. Choice kong ipaglaban ang katotohanan. Choice ko na patuloy ipaglaban ang demokrasiya para sa akin, para sa bawat Pilipino… pati na rin para sayo na patuloy na nagpo-post at nakikipaglaban para sa mga maling bagay.
Binuwis ng Papa ko at ng libo-libong Pilipino ang buhay nila para malaya mong paniwalaan ang kahit na anong potang inang katangahan ang gusto mong paniwalan at ipaglaban. Kaya WAG MO AKONG PAKIALAMAN KUNG DI AKO MAKAPAG-MOVE ON AT PATULOY KONG IPINAGLALABAN ANG KARAPATAN MONG MAGING MALAYA.
DON’T ME!!!
Bravo!!!!!!
I feel you so much Ri 🙁 T_T Sadly, the Marcoses are evil so why do we expect them to ask for forgiveness for the Martial Law atrocities? For admitting their crimes? Evil people don’t do that. Eh ang “disente” nga na si PNoy at Mar eh hindi maadmit-admit yung kabalbalan na ginawa nila sa Yolanda rehab (that’s aside PNoy’s botched HK hostage taking, SAF44, etc that we never got an apology or justice for the victims, ughh), ANO pa ini-expect natin sa mga hinayupak na Marcoses? That’s the horrendous reality of the evil in this fallen world. Evil ppl will be evil, they will not conform to our moral norms. And if we let the anger toward them build inside us, we might turn into monsters like them 🙁 Speak out though, ALWAYS. Let the Filipinos never forget of the rape the Marcos family did to our country. We must NOT ever, ever forget, and we must NOT never ever let this happen again.
But please, don’t be mad at the people who say “move on”. Those messages are not meant for the TRUE victims of Martial Law. The messages are meant for the hanger-ons, trend riders, mema ppl, destabilizer yellows, etc. We cannot, in good conscience, say move on to the true victims (though many have already) because we have never experienced the excruciating pain you have in losing your loved ones. We all have a journey to walk, and this is yours. Maybe you wanna channel your anger to tangible legacies like lobby for textbook revisions? Volunteer to teach / share your Martial Law experience in grade / high schools (esp public ones!), publish pamphlets about it (compile other victims’ experiences?) and give away freely (Martial Law books are expensive for the masa), etc, etc. Maybe this is what your writing / blogging career is all about~ honing you to be a political force against the Marcoses. All revolutions start with just one effin angry person.