I don’t like kicking the horse when it’s down but I have been meaning to say this for months now… yung mga nagmamayabang na matalino sila kasi they supported a supposedly matalino candidate, magsaliksik kayo ng mabuti oy.
Hindi dahil matalino, mabuting tao at mahusay na public servant na agad. Do you really know your candidate and his/her motivations for running? Are you familiar with everything your candidate has accomplished? Yung totoo, sinusuportahan mo kasi kilala mo at alam mong mahusay na pinuno siya o kasi gusto mo lang masabing matalino ka?
Yung kandidato mo matalino. Totoo yan. Pero yung sasabihin mong matalino ka rin kasi siya sinusupotahan mo? Nakakatawa. Ginagago ka nga ng kandidato mo nang di mo nalalaman, iniisip mo pa rin na matalino ka.
I’m not mocking you. But I find it sad that some of the people who I thought knew better didn’t know better. And even thought they were better than the rest for supporting the “real intelligent one.” OH, COME ON!
Sa susunod na mga eleksyon, siguraduhing kilala mo ng lubusan mo ang kandidato mo. Behind the IQ points, beyond the bullet points on the resume. Sino ba talaga tong taong to? Ano ang track record niya? May paninindigan ba siya? Kaya ba niyang ipaglaban ang tama at nararapat? Mahusay ba siyang tagapaglingkod?
Hindi mabuti at magaling ang lahat ng matatalino. At hindi sa lahat ng panahon mas nakakaangat ang matalino.
natumbok mo, neng! akala ko since tapos na ang election eh mananahimik na ang mga intelihente, pero hindi pa rin pala..