‘Di ako masyadong iyaking kapag nanonood ng mga pelikula. Pero yung “The Achy Breaky Hearts,” hindi pa lumalabas yung title card naluha na ako. Pak na pak ang intro. #ICanRelate sa linyang ito…
“Hindi naman sa kailangan na may kasama umuwi, kumain o matulog. Masarap lang din siguro kung meron. Di ba?” – The Achy Breaky Hearts
BOOM! PAK! GANERN! Doon sa “Di ba?” buhos na ang tears. Ang ganda ng pagkakasulat ng intro ng pelikula. Parang pwede kong sabihin na para sa akin yung pelikula. Tama ang desisyon ko na panoorin yun mag-isa.
Tapos halos buong pelikula naluha-luha lang ako kahit nakakatawa naman. Kasheh tagos sa buto mga beh. Yung masaya ka naman na single ka pero tongenuh yun, masaya kayang kiligin. Yung kahit na buo ka naman at di mo naman talaga kailangan ng kasama sa kung ano at kung saan pero pag naiisip mong paano nga kung meron?
‘Yon eh… doon tayo sa mga what ifs tinatamaan. The film shows us how we can be happy being single yet still yearn for something more. Yung kumpleto ang buhay mo pero di mo mapigilang isipin na baka mas masaya ka kapag may kapares ka. Palagay ko ganun din yung mga taken. Masaya naman silang may kapares pero minsan napapatanong din na baka mas masaya kapag single. Ika nga “the grass is always greener on the other side.”
Mahusay sina Jodi Sta. Maria bilang Chinggay at si Ian Veneracion bilang Ryan. Bongga ang kilig ko sa kanilang dalawa. Yun bang may biglang dumating sa buhay mo nang di mo inaasahan tapos lahat ng bagay biglang nagkaroon ng kakaibang meaning. NUKS!
Sakto naman ang pagkakaganap ni Richard Yap bilang si Frank ang reformed ex na gustong bumalik sa buhay ni Chinggay.
Pero hindi ang mga artista ang tunay na star ng pelikulang ito. Ang mga tagos sa laman, sagad sa buto, straight to the heart na hugot lines ang tumatak sa puso at isip ko. Eh kasi nga naman diba iba yung wit nila Direk Tonet at ng co-writer niyang si Yoshke (na matagal ko nang idol sa pagsusulat, btw).
Eh diba nga pamgbungad pa lang naiyak na ako. Sobrang nakaka-relate ako mga beh. Sa halos lahat ng pinagdaanan ni Chinggay. Mas maganda at mas matinong tao lang talaga si Chinggay. Simula hanggang dulo, puno ng hugot yung pelikula. Pero hindi basta-basta hugot lines lang kung di mga insight din tungkol sa singlehood, pag-ibig, break ups, self-doubt, at kung anu-ano pa.
Sa dami ng nakakatuwang hugot lines at insights ng pelikula, hindi lang mga 30 something singles na gaya ko ang makaka-relate. Katunayan, ako lang yung weirdo na buang-buang na umiiyak during the entire movie. (Oo, i-judge niyo ako. Ok lang.) Yung ibang nasa sinehan tawa nang tawa, may mga nagko-komentaryo, lahat involved. Kahit na mag-isa akong pumasok sa sinehan, naramdaman ko na lahat kami doon nagkaroon ng isang kakaibang spiritual experience. Nuks! Spiritual talaga? Lahat kami kahit papaano naka-relate sa characters, sa kwento.
Kasi kahit pa yung mga may asawa, may masasayang relasyon, may buong pamilya, minsan napapatanong pa rin ng what if? Naghahanap din ng happiness. At kahit na sino ka pa, hindi na rin bago yung ma-challenge yung self-confidence mo. At siyempre lahat din nakaramdam ng pagkabigo at sakit. Yun yung kagandahan ng pelikula eh. Binigyan buhay nito in a very funny but real way ang isang human experience na mahirap i-explain.
Kung meron man akong natutunan sa pelikulang ito, do not be afraid to enjoy being alone but don’t be afraid to gamble on love din. Oh, di ba? Ang labo ko! Either way kasi, mag-isa ka man o magsusugal sa pag-ibig… ikaw pa rin makakapag-decide kung magiging masaya ka ba at kung papaano mo ito makakamit. Ikaw lang. Hindi ang ibang tao.
So don’t be afraid to choose your own path to happiness. Laban lang ‘teh.
Nais ko magpasalamat kay Direk Tonet, kay Yoshke, at sa lahat ng gumawa ng pelikulang ito! Ang galing niyo po.
Diyosa photo taken by Klyde Jarabelo.
Mapanood nga! Baka gusto ko na ring maging single uli. Weh!?!
Mapapanood ko na sa Linggo with my mudraks! Dadayo pa kami ng Birmingham para mapanood ito sa tamang paraan #NoToPiracy. Parehong may kilig for sure <3