Langaw Daw

Una sa lahat, di ko mawari ano ang pakay mo upang mag-post ng kung anu-anong galit at poot sa mga status mo. Di na sana kita papatulan dahil di ka naman kapatol-patol. Sa totoo lang pag-aaksaya ng panahon itong ginagawa ko ngayon. Matagal na kitang kilala, pero di ka pa rin nagbabago. Sa tingin ko pag nabasa mo ‘tong post ko, walang magbabago. Pero dahil nag-viral yung post mo, heto tayo ngayon. Sagarin natin ang “time to shine moment” mo. Oportunidad na rin to para sagutin lahat ng mga kagaya mo mag-isip.

Gusto ko lang iklaro na sa paggamit mo pa lang ng salitang “langaw” para tukuyin ang ibang tao, talo ka na agad. Sa unang parirala pa lang, X ka na. Hindi mapaghusga ang mga tunay na matatalino at matitinong tao. Kung tama at karapatdapat pakinggan ang pahayag mo, hindi mo na dapat minaliit ang inaaway mo.

Yung totoo, hindi ko alam kung sino yung mga tinutukoy mong langaw. Sa pagkakaalam ko walang baong mga langaw si President Duterte. Pero sabihin na nating sa pagbasa ng post mo, napagtanto ko na tinutukoy mo ang mga taga-Davao at Mindanao na mga media at mga staff na isinama ni President Duterte. Sabi mo sa post mo dapat “mag-aral sila ng mabuti. Ayusin nila ang trabaho nila.” Ok, gets. Tama naman. Pero bakit kelangan mong sabihin ito “Hindi biro magtanong at kumalkal ng baho ang manila-based media.”

Hindi po basehan ng mabuting trabaho ang kahusayan sa pagkalkal ng baho. Ito ba ang journalistic standard mo? Mas mabuting mamahayag ka kung magaling kang makalkal ng baho at basura? Baka naman mga chismoso’t chismoso ang hanap mo at hindi mga mamahayag?

Ang mas mahalagang punto, bakit mong iniisip na hindi kasing galing ng mga taga-Mindanao and mga taga-Maynila? Parang siguradong-sigurado ka sa pahayag mo ah. With confidence. (Lakas ng tiwala mo sa sarili mo ah.) Para sabihin ko sayo, may personal na hidwaan ako sa iilang miyembro ng Davao media pero hindi ko maikakailang magagaling, masisipag, at matatalino ang karamihan sa kanila. Mahusay magsulat. Masipag magsaliksik. Matino magbalanse ng balita. Nakita ko ang karamihan sa kanila nuong nakaraang kampanya sa sa iba pang mga pagkakataon. Kahit minsan walang humingi ng special treatment. Lahat nakipagsiksikan. Lahat pinagpawisan. Lahat ginawa ang trabaho ng walang pagkimi, ng walang pinapanigan.

Pasensya na kami kasi nagsasabi ka ng totoo? Iba po ang katotohanan sa opinyon. Asan ang pruweba mong di kasing galing ng mga taga-Mindanao and mga taga-Maynila? Kung sana may ipinakita kang datos, mga konkretong halimbawa, yan masasabi kong totoo ang pahayag mo.

Oo, tama ka. Things are done differently in Manila. Pero teka lang hindi ko alam may royalty na pala sa Pilipinas. Sa pagkakaalam ko yung mga kapatid nating mga lumad at mga Muslim lang ang may royalty sa bansa natin. Eh, kung ginagamit mo naman ang salitang “royalty” bilang talinghaga, anong nais mong sabihin?

Para sabihin ko sayo, sawang-sawa at pagod na pagod na kaming mga taga-Mindanao (at mga taga-Visayas at lahat ng mga taga-probinsya) sa mga taga-Maynila na nag-iisip na mas importante at mas magaling ang mga taga-Maynila dahil lamang taga-Maynila sila. Lumaki ka lang sa Maynila, mas magaling na agad. Nag-aral lang sa Maynila, mas matalino na agad. Iyan ang klase ng mentalidad na kinamumuhian ng mga taga-Mindanao. KAHILAS BA UY! (Ang yabang naman!)

At sino bang nagsabi na nasa Maynila ang mga tinatawag mong “langaw” para magpakitang gilas at makuha ang respeto ng mga taga-Maynila? Nandyan sila para mag trabaho. Magsilbi. Gawin ang trabahong naatas sa kanila. Para tumulong makamit ang tunay na pagbabago.

Ayan ha, sinagot ko post mo line per line. In Filipino. Kasi sabi mo sa isang post mo, mas mahusay yung mga nagsasalita sa wikang Filipino. Na isa pang maling paniniwala. Sasagutin ko yan sa ibang araw.

Nabalitaan ko binura mo na raw ang post mo. Anong bago? Sa susunod, bago magpo-post ng kung anu-ano, matuto gamitin ang utak. Kung legit yung point mo, siguro naman dapat pinag-isipan mo muna dapat ng 100x kung paano mo sasabihin nang di gumagamit ng false logic at di nangliliit ng kapwa. Matagal ka nang nagsusulat, tarungin mo naman. (Ayusin mo naman.)

2016 na, magbago na tayo.

Image from Phys.org. Source: http://cdn.phys.org/newman/gfx/news/hires/2013/fly.jpg.

10 thoughts on “Langaw Daw

  1. ***slow clap***

    Magaling talaga kasi kaming mga taga Maynila…

    Siyempre ito ang capital ng bansa kaya feeling ko talaga mas mahuhusay kami kaysa sa taga Mindanao.

    Siyudad kasi ang MAynila at bundok ang Mindanao.

    Natural na chismoso ang Maynila media kasi yun ang bumubuhay sa kanila. CHISMIS…

    Marami kasi silang pinoprotektahan kaya mas madalas maraming bawal e air.. so gawagawa na lang ng kwento..

    Oh d ba? mas sikat sila?!

  2. to Arpee: eh sa dinami-dami ng major political leaders dyan sa maliit na Maynila, bakit andaming krimen, social problems, at bakit antaas ng antas ng kahirapan? Kung ganyan ang kagalingan ng taga Maynila eh wag na lang…It’s pretty ironic na kung saan nagsisiksikan ang “magagaling” at matataas na lider, kung saan nakalagak ang malalaking budget, eh andun din ang mabibigat na problema. CHISMIS din kaya ito? tsktsktsk

  3. Isa kang walang kwentang nilalang sa mundo Arpee. Sa sinabi mo, inamin mo na rin na walang quality ang media sa maynila… Nag media pa e chismis lang naman pala… Hindi ka kasali sa mga mahuhusay dyan sa maynila, wag kang feeling… Tandaan mo ungas, di buo an pilipinas kung wala ang visayas at mindanao… Ugok!

  4. Langaw its means yong mga taong chimosa at chimoso na walang kuwenta kinakalkal na balita!at royalty ba kamo?oo mas marami sa mindanao kasi totoong maraming mayaman doon kompara sa maynila kaso dahil maynila lahat magpuntahan sa maynila nanirahan so dumami ang mga royalty or hindi lang naintindihan ibigsabihin ng kahulugan ng royalty palibhasa diskriminasyon ang karamihan sa manila bastos walang modo yan ba ang mga matalino at may pinagaralan?nkakatawa hahaha…..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.