'Di ako masyadong iyaking kapag nanonood ng mga pelikula. Pero yung "The Achy Breaky Hearts," hindi pa lumalabas yung title card naluha na ako. Pak na pak ang intro. #ICanRelate sa linyang ito... "Hindi naman sa kailangan na may kasama umuwi, kumain o matulog. Masarap lang din siguro kung meron. Di ba?" - The Achy Breaky Hearts BOOM! PAK! GANERN! Doon sa "Di ba?" buhos na ang tears. Ang ganda ng pagkakasulat ng intro ng pelikula. Parang pwede kong sabihin na para sa akin yung pelikula. Tama ang desisyon ko na panoorin yun mag-isa. Tapos halos buong pelikula naluha-luha lang ako kahit nakakatawa naman. Kasheh tagos sa buto mga beh. Yung masaya ka naman na single ka pero tongenuh yun, masaya kayang kiligin. Yung kahit na buo ka naman at di mo naman talaga kailangan ng kasama sa kung ano at kung saan pero pag naiisip mong paano nga kung meron? Chinggay, ako ba ikaw? Ikaw ba ako? Nakaka-relate ako beh. #TeamSingle 'Yon eh... doon tayo sa mga what ifs tinatamaan. The film shows us how we can be happy being single yet still yearn for something more. Yung kumpleto ang buhay mo pero di mo mapigilang isipin na baka…