Walang Pamagat

May mga panahon na dapat lang magsalita, manindigan, ipahiwatig ang dapat ipahiwatig. May mga panahon na dapat lamang ipaglaban ang nararapat.

At may mga panahon din, gaya ngayon, na sa aking palagay, mas makakabuti ang pananahimik. Di dahil wala akong paninindigan, di dahil di ako lubusang naniniwala sa aking paninindigan, di dahil nauubusan ako ng masasabi. Ang daming pwedeng sabihin, dapat sabihin.

Ngunit sa aking palagay, mas mabuti munang manahimik. Ang dami nang kasangkot. Ang dami nang nangyayari. Iba’t-ibang isyu, samu’t-saring hidwaan. Kung makikisali pa ako, dagdag lamang sa gulo. Dagdag lamang sa po-problemahin. Pero magsasalita rin ulit sa tamang panahon.

Pagkatapos ng lahat, sana may maibungang maganda. Sana may matutunan tayong lahat.

0 thoughts on “Walang Pamagat

  1. Nakakahilo ‘no? Iniisip ko nga kung dadalo pa ako sa gaganapin nila sa ika-23. Malapit lang ang bahay ko sa MOA pero hindi na ako sigurado kung gusto ko makihalubilo o masangkot sa pulitika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.